Walang dahilan para mag-panic buying – Malakanyang

CARGO, SUPPLIERS EXEMPTED SA TRAVEL BAN

EXEMPTED ang cargo goods sa gagawing pagbabawal sa paglabas-masok sa Metro Manila na magsisimula sa darating na Linggo Marso 15 hanggang Abril 14, 2020.

Ito’y sa gitna ng umiiral na Code red Sub-level 2 dahil sa mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, hindi covered ang mga cargo vehicle na nagdadala ng mga pagkain  mula labas ng kalakhang Maynila at vice versa.

Ang ibig sabihin aniya nito ay walang dapat ipangamba ang mga residente ng NCR sa suplay ng produced foods at at iba pang pagkain sa mga pamilihan, groceries at retailers.

‘Kaya po, uulitin po namin, huwag po tayong mag-hoard ng pagkain at iba pang kagamitan. Hindi po tayo mauubusan. Tuloy-tuloy po ang supplies natin dito sa MM,” ani CabSec Nograles.
Maliban dito, sinisilip din ni CabSec Nograles kung sino pa ang maaaring ma-exempt sa naturang panuntunan sa gitna ng ipatutupad na quarantine sa Metro.

Kasama rito ang mga may sakit na ang pagpapagamot ay ginagawa sa NCR habang lilinawin din aniya nila ang mga manggagawang pumapasok sa Metro Manila galing ng kalapit probinsiya at vice versa kung maaaring makasama sa exemption.

Nauna nang nagbigay ng pahayag si DILG Secretary Eduardo Año pero ayon kay Nograles, kailangan pa ring linawin ito ng IATF.

Ayon kay Año, papayagan namang makapasok ng Mero Manila ang mga manggagawa basta may hawak na katibayan o identification card na sa NCR sila nagtatrabaho.

“Ang importance n’yan will come into effect during the enforcement. During the enforcement, it has to be very clear to the DILG and to our police and to our local government units kung ano ‘yung exception to the rule and how they will fall under these exemptions,” ani Nograles.

Sinasabing maaari pa ring makapasok sa Metro Manila ang mga produkto na galing sa iba’t-ibang probinsiya para mapanatili ang suplay.

Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo, na inaayos na ang panuntunan para sa mga driver at delivery personnel na nagbibiyahe ng mga produkto kasunod ng ‘community quarantine’ na ipatutupad sa Metro Manila. CHRISTIAN DALE, JESSE KABEL

317

Related posts

Leave a Comment