SUMIPA na sa 4,983 ang bilang ng mga nasawi sa coronavirus disease (COVID-19) sa buong mundo.
Nabatid na pinakamarami sa mga nasawi ay mula sa China, nakapagtala na rin ng isa sa Italy at may tatlo sa Iran.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang 134,768 ang mga infected ng virus.
Nasa 53,406 o 90% sa mga ito ay mild condition, habang 5,994 o 10% ang serious o critical condition.
Gumaling naman ang 70,385 na mga pasyente na una nang na-detect na positibo sa COVID-19.
Samantala, biniberipika na ng Department of Foreign Affairs ang kalagayan ng isang Pinay Diplomat sa United Nation na umano’y nahawa ng COVID-19.
Ayon sa report na nakarating sa Pilipinas mula kay Philippines acting UN Ambassador Kira Azucena, naka-lockdown na ang Philippine Mission sa New York na mayroong 12 diplomats.
Sinasabing lahat ng tauhan ay pinayuhang sumailalim sa self-quarantine at agad magpatingin sa doktor oras na makaranas sila ng sintomas.
Ang Philippine Mission headquarters sa New York ay matatagpuan sa 5th Avenue sa Midtown Manhattan.
Ang babaeng diplomat ay kumakatawan sa Pilipinas sa legal affairs committees ng UN General Assembly. DAHLIA ANIN, JESSE KABEL
330 