BABALA SA MGA OPISYAL NG BARANGAY TAMAD KAKASUHAN NG DILG

KAKASUHAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga tatamad-tamad na barangay officials na hindi susunod sa kautusan ni Pangulong
Rodrigo Duterte sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine para labanan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga komunidad.

Ito ang babala ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya makaraang makakuha ng impormasyon na may mga barangay official na takot lumabas ng kanilang tahanan at
ayaw magtrabaho.

“Iyong iba po imbes na gumalaw, nasa social media, kung anu-anong sinasabi. Pero iyong iba naman, noong isang araw pa may purchase request para gumalaw na, nag-
procure na at mayroon na silang sorting and preparation of food packs,” ani Malaya.

Ayon pa rito, kapag natapos na ang problema sa COVID-19 ay ia-asses nila ang mga opisyal at kapitan ng barangay na babagal-bagal at kung sino sa kanila ang
mahaharap sa kaso.

“We do not want sana to do this, pero hindi po talaga maganda ang naririnig namin sa ilang mga kapitan na parang pabaya, hindi po nila siniseryoso itong ating
enhanced community quarantine,” pahayag pa ng DILG official.

Sa panig naman ng Local Government Units (LGUs) ay marapat lamang na gamitin nila ang kanilang ‘quick response funds’ para magbigay ng pagkain sa kanila-kanilang
‘indigent constituents’ sa unang bahagi pa lamang ng ‘lockdown’. TJ DELOS REYES

152

Related posts

Leave a Comment