RAKET SA DISINFECTION, NABUKING NG PNP

IBINULGAR ng liderato ng Philippine National Police ang modus operandi ng mga mapagsamantala sa umiiral na coronavirus disease outbreak sa bansa para pagkakitaan.

Kahapon ay naglabas ng babala ang PNP-Joint Task Force-COVID  Shield sa publiko laban sa tinatawag na “disinfect and sanitation” scams kasunod ng coronavirus disease (COVID-19) crisis.

Ayon kay TF-CV Shield commander, P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang national government at local government units lamang ang maaaring gumawa ng nasabing mga hakbang.

Kasabay nito, hinikayat ni Gen. Eleazar ang publiko na agad i-report sa mga awtoridad ang mga indibidwal na nagsasagawa ng disinfection and sanitation kapalit ng pera.

Nabatid na may mga sumbong na nakarating sa task force na may mga indibidwal ang nagbahay-bahay ngayon at nag-aalok ng nasabing serbisyo.

Sinabi ni Eleazar, walang indibidwal at grupo na in-authorized ng gobyerno para magsagawa ng disinfection at sanitation sa mga bahay. (JESSE KABEL)

157

Related posts

Leave a Comment