HEALTH SURVEY INILUNSAD SA MAYNILA

UPANG madaling ma-trace ang posibleng sintomas ng coronavirus disease (COVID- 19),naglunsad si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng health survey.

Sa kanyang Facebook live, ipinaliwanag ng alkalde kung gaano kasimple ang survey.

Para sumali sa survey, i-click ang send message button sa kanyang FB account at lalabas ang ilang katanungan tulad ng personal na impormasyon na nagsasaad ng pangalan, contact number at kung anong barangay ka naninirahan.

“Huwag mag-alala dahil confidential ito at gagamitin lamang para magkaroon kami ng virtual picture or macrovisual of our health situation in the entire city of Manila. Para kami ay maging efficient, sagutin lamang nang tumpak at matapat ang mga tanong. Upang matulungan din kami na mabilis kayong matugunan at maabot sakaling kailangan ninyo ng atensyong medical,” paglilinaw ng alkalde.

“May lagnat ka ba? Namamagang lalamunan? Ubo? Sipon? Nahihirapan ka bang huminga?

Masakit ba ang iyong tiyan? Nahihilo o nasusuka? Umalis ka ba ng bansa sa nakaraang mga araw? Did you have exposure to an infected? Nagtatrabaho ka ba o nakatira sa isang lugar na may nabalitang may COVID 19? If yes, hinihikayat kang makipag- ugnayan sa 8527-5174 at 09610627013. Pwede ring tawagan ang 896-2385/6 o ang DOH COVID hotline 865-17800 loc. 1149 at 1150,” dagdag pa ni Moreno.

Nilinaw pa ni Isko na hindi magbibigay ng anomang findings ang city government sa data na ibinigay.

Sa mga hindi naman taga-lungsod na gustong maging bahagi ng survey at malalaman na nangangailangan ng medikal na atensiyon, sila ay ire-refer ng city government sa tamang awtoridad. RENE CRISOSTOMO

335

Related posts

Leave a Comment