JAIL CLEAN UP NAUWI SA RIOT

SOUTH COTABATO – Nauwi sa riot ang paglilinis sa bilangguan bilang bahagi ng hakbang para makaiwas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), na ikinamatay ngisang preso at ikinasugat ng tatlo, nitong Linggo ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga namatay na si Randy Austria, habang sugatan sina Emboy Anan, Bai Salimbay, Jezrel Laboga, pawang mga preso sa South Cotabato Provincial Jail.

Batay sa report ng South Cotabato-PNP, dakong alas-10:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa loob ng nasabing piitan habang pinaglilinis ang mga inmate.

Lumabas sa imbestigasyon, unang nagtalo ang mga inmate na sina Jeffrey Tilo at Regin Montebor ng Selda 11 dahil sa cleaning procedure na sinundan nina Primo

Tanauay at Norbel Ali hanggang sa nagkarambulan at sumali ang iba pang mga preso. Natigil lamang ang kaguluhan nang mag-warning shot ang jail officer at ipinasok sa
kani-kanilang selda ang mga preso.

Sugatan sa insidente sina Austria, Anan, Salimbay, at Laboga na agad dinala sa ospital ngunit nalagutan ng hininga ang una dahil sa matinding pinsala sa ulo at
katawan. (ANNIE PINEDA)

123

Related posts

Leave a Comment