P1.5B KINALAP PARA TULUNGAN ANG MAHIHIRAP

UPANG umayuda sa gitna ng COVID-19 crisis, nangalap ang grupo ng mga kilalang negosyante ng aabot sa P1.5 bilyon upang gamitin sa pamamahagi ng ‘grocery vouchers’ sa mahihirap na pamilya sa Metro Manila.

Sa statement na ipinost online, target ng ‘Project Ugnayan’ na makapamahagi ng P1,000 ‘gift certificates’ sa may isang milyong kabahayan sa mahihirap na komunidad sa malaking bahagi ng Metropolis.

Ang ‘Project Ugnayan’ ay inisyatibo at pagtutulungan ng business groups sa kooperasyon ng Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF) na makakalap ng pondo upang masuportahan ang pamahalaan na matugunan ang mga pangangailangan ng mahihirap na pamilya na hindi makapagtrabaho dahil sa ‘Enhanced Community Quarantine sa Metro
Manila.’

Bilang pagsunod naman sa ipinatutupad na ‘social distancing’, ang ipamamahaging ‘gift certificates’ ay idedeliber ‘door to door’ sa tahanan ng mahihirap na pamilya na maaaring gamiting pambili ng mga kinakailangan nilang pagkain sa groceries at supermarkets.

“We shall initially engage with Caritas Manila’s Project Damayan and ABS-CBN’s Pantawid ng Pag-ibig program for the door to door distribution of grocery vouchers redeemable for food items from accessible groceries and supermarkets.

Distribution is ongoing in four pilot areas and will scale-up in cooperation with project partners,” base sa statement ng Project Ugnayan.

Ang grupo ng mga negosyante na umayuda at sumuporta sa Project Ugnayan ay kinabibilangan ng Aboitiz Group, ABS-CBN/Lopez Group, Alliance Global/Megaworld, AY Foundation and RCBC, Ayala Corporation, Bench/Suyen Corp., Century Pacific, Concepcion Industrial Corp, DMCI, Gokongwei Group of Companies/Robinsons Retail Holdings, ICTSI, Jollibee, Leonio Group, Mercury Drug, Metrobank/GT Capital, Nutri-Asia, Oishi/Liwayway Marketing Group, PLDT/Metro Pacific Investments Corporation, Puregold, San Miguel Corporation, at SM/BDO, Sunlife of Canada.

Ayon sa grupo, may mga nakakausap na rin umano silang mga kompanya na nagpahayag ng intensiyon na makatulong at makapagbigay ng kontribusyon sa nasabing proyekto.

“We are grateful for the support of the business community and hope that this initiative will inspire more acts of kindness in this time of crisis. Now is the time for our communities to help as one. The national health crisis that confronts us is instructive of the need to adopt a holistic perspective that enjoins every sector of society to partake in mitigating the adverse effects of this health debacle,” pahayag naman ni Fr. Anton C. Pascual, Executive Director ng Caritas Manila. TJ DELOS REYES

270

Related posts

Leave a Comment