VIP treatment binira ng netizens POLITICIANS POWER TRIP SA COVID TEST

NAGLABAS ng kanilang galit sa social media ang mga netizen matapos mag-post ng litrato ang ilang politiko at government officials na pawang negatibo sa isinagawang COVID-19 test.

Hindi nagustuhan ng netizens ang mistulang pag-impluwensya o paggamit ng kapangyarihan ng mga naturang politico upang mauna sa testing ng naturang virus gayung limitado pa lang ang available na testing kits sa kasalukuyan.

Sabi ni @bumaBAgyo, “Just for perspective. The Philippines has a population of 104.9 million. As of 20 March 2020, we have only conducted 1,269 tests. In short, we have only tested for 12 cases for every 1 million Filipinos.

Tapos sisingit pa yung mga VIP. #NOtoVIPTesting !!!!!!”

May ilan namang agad tinawagan ng pansin ang Department of Health at sinita sa ‘paglabag’ umano nito sa sariling protocol dahil sa pagbibigay sa kagustuhan ng ilang politiko na hindi naman nagpapakita ng anomang sintomas.

“We demand an explanation as to why these high-ranking officials are tested and you defied your own protocols @DOHgovph! Hindi na pwede sa amin ‘yung mga ganitong sagot na wala namang saysay. Answer to the people.

It is our right to know!” ang sabi naman sa Tweet ni @maroontito.

Bunga nito, agad naglabas ng paglilinaw si DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na walang katotohanan ang mga alegasyong nagkakaroon ng ‘VIP testing’ sa coronavirus disease 2019 sa mga government official sa bansa, na nagreresulta umano upang mapabayaan ang mga patient under investigation (PUIs).

Inamin ni Vergeire na may matataas na opisyal ng pamahalaan na kinakailangan nilang suriin ngunit ito’y para sa national security reasons habang ang iba naman ay kuwalipikadong maisailalim sa COVID-19 testing.

Siniguro rin niya na lahat ng mga PUI sa bansa ay naaasikasong mabuti.

“Gusto ko lang linawin, hindi napapabayaan ‘yung ating PUIs. Lahat naman inaasikaso,” ani Vergeire, sa panayam sa radyo. “’Yun pong mga sinasabi nilang na-test na mga high level officials, most of them pumasok sa criteria namin.

May exposure sila, nakapag-travel sila so they were tested.”

“Kailangan din intindihin ng ating mga kababayan na meron tayong ginagawa for national security reasons,” paliwanag pa ni Vergeire.

Kabilang sa mga binanatan ng netizens si Senador Francis Tolentino na nag-post sa kanyang facebook page ng kanyang litrato matapos makumpirmang negatibo siya sa COVID-19.

Agad namang humingi ng paumanhin si Tolentino at idinahilan na dumanas siya ng dry cough habang naka-self quarantine kaya niya naisipang magpasuri. Itinanggi rin nito na DOH ang sumuri sa kanya.
Nito lamang Marso 17, si Tolentino, kasama si Senate President Tito Sotto III at mga kapwa senador na sina Pia Cayetano, Panfilo Lacson, Grace Poe, Ramon Revilla Jr., ay sinuri ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) matapos magpositibo sa virus si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Ang test kay Sotto ay ginawa sa kanya mismong opisina.

Sa kanyang Facebook page, humingi rin ng paumanhin si Sotto sa mga na-offend sa kanyang maagang pagpapakuha ng COVID test.

Pero paglilinaw ng senador, hindi DOH o FDA ang nagsagawa ng pagsusuri sa kanya.

“The testing kit is different from what the DOH is using right now. I know that a number of PUIs need the DOH- approved test kits more,” ayon sa senador.

Puna ng netizens, bakit nakikipag-unahan si Sotto sa COVID test gayung isa siya sa mga naunang kumontra sa pagpapatupad ng nationwide lockdown matapos pumutok ang local transmission ng virus sa bansa.

Mistulang minaliit pa ng senador ang pagkalat ng sakit nang sabihing hindi pa kinakailangan ang pagpapatupad ng lockdown.

Subalit, matatandaan na nauna pa ang sarili niyang programang Eat Bulaga na nag-lockdown at ipinagbawal   ang live studio audience.

SINIBAK
Kasunod ng pag-iingay ng publiko dahil sa hindi makatarungang pagkuha ng COVID test ng matataas na opisyal ng pamahalaan ay napaulat na sinibak ng DOH bilang direktor ng Research Institute of Tropical Medicine (RITM) si Dr. Celia Carlos.

Lumutang kahapon ang isang dokumento na nagtatalaga kay DOH assistant Secretary Nestor Santiago sa RITM.

Agad naman itong pinabulaanan ng ahensya at nilinaw na nananatili si Carlos bilang Direktor ng RITM.
Ipinaliwanag pa nito na ang RITM ay inilagay lamang sa superbisyon ni Santiago, ng Public Health Services Team, para matutukan ni Carlos ang iba pang trabaho sa RITM at magamit ang kanyang technical expertise.

Habang si Santiago naman ang mangunguna sa pangangasiwa ng expansion ng testing capacity ng RITM sa mga public at private laboratories.

Humingi rin ng paumanhin ang DOH sa kalituhang idinulot ng nasabing maling balita.

Una nang kumalat ang balita ng pagsibak umano kay Carlos dahil sa pagtanggi nitong i-prioritize ang pagproseso ng COVID-19 test ng ilang politiko at VIP na asymptomatic naman o hindi kakikitaan ng sintomas ng sakit.

WALANG LAMANGAN,
WALANG GULANGAN
Ganito naman ang naging pahayag kahapon ni Inter-agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles sa mga politikong ginagamit ang posisyon para magkaroon ng VIP testing sa COVID-19.

Ito ay matapos lumutang sa social media ang mga pahayag ng mga umano’y kawani ng RITM na galit sa pagprayoridad sa mga politiko at matataas na opisyal ng gobyerno habang isinasantabi ang mga person under investigation (PUIs) at Patients Under Monitoring (PUMs).

Kasunod din ito ng ulat na may apat na mga espesyalistang doktor ang nagpositibo sa virus at isang Hukom mula sa katimugan na hindi kaagad lumabas ang test result mula sa RITM.

Ayon kay Nograles, malinaw ang polisiya ng task force na walang lamangan at walang gulangan pagdating sa COVID-19 test.

Dapat aniyang unahin ang mga pasyente na may sintomas ng naturang sakit.

Subalit sa isang social media post ay sinasabing binibigyan sila ng direktiba na unahin ang mga coded samples na may letter E sa dulo na ang ibig sabihin ay VIPs kasabay ng paglalabas ng listahan ng ilang maimpluwensiyang tao na humiling na isailalim sila sa COVID -19 testing maging ang kanilang pamilya.

Inihayag din sa nasabing social media post na bilang patunay ay isasakripisyo ng DOH ang director ng RITM at aalisin ito sa puwesto dahil sa pagsalungat nito na bigyang prayoridad ang pagsusuri sa specimen ng mga VIP.

Nabataid na nitong nakalipas na lingo ay nag viral na sa social media ang appointment paper ni  Health Assistant D.ANIN, JESSE KABEL

134

Related posts

Leave a Comment