LION AIR IIMBESTIGAHAN SA MAGKASUNOD NA PLANE CRASH

INIHAYAG ng Manila International Airport Authority (MIAA) na isasailalim sa imbestigasyon ang Lion Air dahil sa magkasunod na pagbagsak ng eroplano nito.

Walang nakaligtas sa walong sakay ng Lion Air Westwind ambulance aircraft na bumagsak sa runway 24 ng Ninoy Aquino International Airport dakong alas-8, Linggo ng gabi.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente habang nagte-take off ang eroplano na patungo sanang Haneda, Japan para sa isang medical evacuation mission.

Sakay nito ang walong indibidwal na kinabibilangan ng anim na crew members, kabilang ang isang doktor at nurse at dalawang pasahero na isang Canadian national na pinaniniwalaang pasyente at isang American national.

Ayon kina MIAA General Manager Ed Monreal at Civil Aviation Authority of the Philippines Deputy Director General for Operations Don Mendoza, bubusisiing mabuti ang record ng Lion Air upang mapagdesisyunan kung kinakailangan ang “grounding” ng mga unit ng eroplano nito.

Nabatid na eroplano rin ng Lion Air ang bumagsak noong isang taon sa Pansol, Laguna na ikinasawi ng siyam katao kabilang ang mag-asawang New Zealand national. SAKSI NEWS TEAM

201

Related posts

Leave a Comment