QUEZON – Natagpuang patay sa loob ng kanyang farm sa bayan ng Lucban sa lalawigang ito, ang isang Korean national na umano ay may respiratory problem.
Ayon sa Lucban police, natagpuan ng kanyang mga empleyado ang katawan ng biktimang si Kee Hwan Bok, 72-anyos, habang nakahandusay sa kama noong Sabado ng umaga.
Sinabi ng mga tauhan ng farm, ilang araw nang sinusumpong ang biktima ng sakit nitong tuberculosis.
Sa pagsusuri ng doktor, heart attack umano ang ikinamatay ng biktima.
Wala ring nakitang foul play ang mga pulis sa insidente. (NILOU DEL CARMEN)
178
