BILANG NG MGA TINAMAAN NG COVID-19 IPINALILINAW

dapat linawin ng pamahalaan kung ano ang tunay na bilang ng mga tinamaan ng coronavirus sa buong bansa.

“Ilan ang may sakit? Ilan ang malamang may sakit? Ilan ang binawian ng buhay kaugnay ng COVID? Ilan ang mga gamit-medikal (masks, gloves, PPEs, testing kits, testing labs, ventilators)? Ilan ang mga medical staff?” pag-uusisa ni opposition Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

Umaasa aniya ito na makaaalpas din ang bansa sa kumakalat na sakit at sa pagtigil ng mga nakagawian ng bawat Pinoy.

“Sa pagsugpo ng pandemya at sa kaligtasan ng ating mga komunidad, nakaasa tayo sa mga tamang datos at makataong pagpapatupad ng mga patnubay ukol sa enhanced community quarantine,” dagdag pa ni Pangilinan.

“Nabibigay ba ang kailangang pagkain at tamang protocol para mapanatiling malusog sila at lahat ng ating mga mamamayan? Nakakatulong ba sa pagsugpo ng pagkalat ng COVID ang pagkulong sa mga lumabag ng curfew o ang patuloy na mga panloloko sa social media?” pag-uusisa pa nito. NOEL ABUEL

122

Related posts

Leave a Comment