Pinagbibitiw ng 15 senador DUQUE PALPAK SA COVID-19

PINAGBIBITIW ng 15 senador si Health Secretary Francisco T. Duque matapos itong mabigo na kontrolin at pamahalaan nang maayos ang pagkalat at pagsugpo sa coronavirus 2019 (COVID-19) sa bansa na umabot na sa mahigit 5,000 ang kumpirmadong positibo sa virus.

Sa Senate Resolution No. 362, lumagda  nitong Abril 16, 2020 sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, Majority Leader Juan Miguel Zubiri, kabilang sina Senador Juan Edgardo “Sonny”Angara, Nancy Binay, Grace Poe, Manny Pacquiao, Sherwin “Win” Gatchalian, Francis Tolentino, Joel Villanueva, Ronald “Bato” Dela Rosa, Imee Marcos, Lito Lapid, Ramon “Bong” Revilla Jr.,  at Panfilo Lacson.

Tinukoy ng resolusyon na nabigo si Duque na pamahalaan ang pagsugpo sa COVID-19 sanhi ng “kapabayaan, kawalan ng pananaw at kapalpakan,” kaya nararapat na siyang magbitiw.
Kinumpirma naman ni Angara ang naturang resolusyon sa pagsasabing isa siya sa lumagda.

“We were late for testing, contact tracing is almost non existent, hospitals short of protective gear— we need to be better. Buhay ng mga Pilipino ang nakasalalay dito,” dagdag ng senador na naunang naging positibo at gumaling sa COVID-19,” ani Angara.

SUPORTADO SA KONGRESO

Agad namang nakakuha ng suporta sa mababang kapulungan ng Kongreso ang 14 senador na nanawagang mag-resign na si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque dahil sa kabiguan nito na makontrol ang COVID-19 sa bansa.

“Sec. Duque is emblematic of the inefficiency, lack of coherence in the Duterte administration’s lethargic response to the crisis brought by the Covid19,” ani Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate bilang pagsuporta sa resolusyon ng 14 senador mula sa administration bloc sa Senado.

Ayon kay Zarate, inamin mismo ni Duque sa isang pagdinig ng House committee on health noong Marso 11, na ang isa sa mga dahilan kung bakit lumala ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay dahil hindi nito agad idineklara na pandemic na ang Kung nakinig lamang aniya si Duque sa panawagan noon ng mga health expert na iprayoridad ang kalusugan ng mga tao kesa sa ekonomiya ay hindi umano nararanasan ang matinding problema ngayon sa bansa.

Kasunod aniya ito sa pagtutol ni Duterte na ipagbawal muna ang pagpapasok ng mga Chinese national sa bansa na isa sa mga hinihinalang nagdala ng COVID-19 lalo na ang mga mula sa Wuhan City kung saan nagsimula ang nasabing virus.

IBINASURA
Gayunman, hindi sinang-ayunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resolusyon ng mga senador.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, nagdesisyon na ang Pangulo na panatilihin sa puwesto si Duque. ESTONG REYES, BERNARD TAGUINOD

195

Related posts

Leave a Comment