TAX-RELATED DEADLINES EXTENDED HANGGANG MAYO 30

EXTENDED ng hanggang Mayo 30 ang lahat ng tax-related deadlines na ipinatupad ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ang desisyon na ito ng BIR ay bunsod ng pinalawig na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.

Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, na ang extension ay para sa ‘filing, submission, and payment related to tax concerns.’

“Since na-extend ‘yung lockdown, in-extend din ng BIR ang lahat ng [mga] obligations ng taxpayers natin sa pagfa-file, sa pagbabayad, at saka sa pagsa-submit,” aniya pa rin.

“Ang pinakaimportanteng feature, ‘yung annual ITR (income tax return) natin na magdu-due ng April 15, na-extend siya hanggang May 30 so ‘yung ating mga kababayan, mga individual, at [saka] mga korporasyon, na-extend din po hanggang May 30 na magbayad sila ng kanilang annual filing ng income tax,” dagdag na pahayag nito.

Nauna rito, pinalawig ng pamahalaan ang ECQ  sa Luzon hanggang Abril 30.

Ang orihinal na month-long lockdown ay mula Marso 17 hanggang Abril 13.

Nag-anunsyo naman ang BIR na ang extension para sa filing ng ITR hanggang May 15, ay tugon sa kahilingan na i-delay ang koleksyon dahil sa ECQ. CHRISTIAN DALE

192

Related posts

Leave a Comment