LA UNION – Dinala sa Ilocos Training Regional & Medical Center (ITRMC) ang isang lola makaraang masuring positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigang ito.
Unang lumabas ang sintomas nitong Abril 13 at nitong Huwebes ng umaga nang magpositibo sa nasabing sakit ang 75-anyos na lola sa Barangay Calumbaya, Bauang, ng nasabing lalawigan.
Ayon sa report, walang travel history o kahit anong exposure sa COVID-19 patient ang lola kaya agad itong nagpakonsulta sa doktor nang makaranas ng ilang sintomas at nagulat na lamang ang pamilya nang nagpositibo sa nasabing nakahahawang sakit.
Inaalam ng mga awtoridad kung saan nakuha ng lola ang naturang sakit.
Samantala, umabot na sa 15 katao ang nagpositibo sa nasabing sakit sa nabanggit na lalawigan. (ANNIE PINEDA)
239 