ECQ EXTENSION POSIBLE PA RIN – DILG

HINDI inaalis ni Interior Secretary Eduardo Año ang posibilidad na mapalawig muli ang enhanced community quarantine kung patuloy na darami ang mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

“May posibilidad ‘yan. Base nga doon sa epidemiological data, kung ‘yan ay patuloy na tataas, kailangan talagang ituloy-tuloy natin ito,” pahayag ni Año.

“Although may improvement na tayo, humaba na ito, so ibig sabihin ay nagi-improve tayo at talagang gumagana ‘yung lockdown,” dagdag ng kalihim.

Batay sa huling tala ng Department of Health kahapon, umaabot na sa 5,660 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 kung saan ay 362 ang namatay at 435 ang naka-recover.

Gayunman, nilinaw ni Año na wala pang desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung magpapatupad ng extension ng ECQ na itinakdang magtapos sa Abril 30.

“Naghahanda rin naman kasi tayo after April 30, ‘di pa natin alam ang desisyon ng Pangulo,” ayon sa kalihim. JG TUMBADO

165

Related posts

Leave a Comment