BARANGAY HEALTH WORKERS TATANGGAP NG SAP

APRUBADO sa House of Representatives na isama sa Social Amelioration Program ang libo-libong Barangay health workers sa bansa.

Ang House Bill 3985 o Barangay Health and Wellness Reform Act na inihain ni BHW Party-List Rep. Angelica Natasha Co ay naaprubahan kung kayat ang benipisyong natatanggap ng mga household member ay matatanggap din ng mga brgy. health worker.

Ayon kay Rep. Co, nais niyang batiin ang mga barangay health worker sa buong bansa at taos-pusong nagpapasalamat ang BHW Party-list sa DSWD at DILG, partikular kina Secretary Rolando Bautista, Secretary Eduardo Año at Undersecretary Jonathan Malaya sa pagmamalasakit sa BHWs.

Sinabi ng lady solon na malaking bagay para sa mga BHW na mapabilang sa mabebenepisyuhan ng SAP dahil karamihan sa mga ito ay mula rin sa mahihirap na pamilya.

Binanggit pa nito na ang mga BHW ay hindi maituturing na mga empleyado ng pamahalaan kundi mga proud volunteer na tumutulong sa komunidad.

“Allowance lamang at hindi sweldo ang kanilang natatanggap mula sa mga lokal na pamahalaan. Minsan nakaka-attend sila ng mga training ng DOH at DSWD, Katuwang sila madalas ng city o municipal health office para sa paghahatid ng mga social services ng gobyerno kung kayat nararapat lamang na mapasama sila sa SAP,” ani Rep. Co.

Sinabi pa ng kongresista na sa gitna ng COVID-19 pandemic, ang mga BHW ang kasamang nagmamalasakit sa komunidad para tumao sa mga health care center at checkpoints.

Sila rin ang nagbabahay-bahay sa kani-kanilang barangay upang i-monitor ang mga suspect, probable at confirmed COVID-19 cases at sila rin ang mga tumutulong magdala sa ospital sa mga pasyente kung kinakailangan. CESAR BARQUILLA

211

Related posts

Leave a Comment