TANOD, DAY CARE WORKERS SAP BENEFICIARIES NA RIN

NILINAW ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Department of Interior and Local Government (DILG) na bukod sa mga barangay health worker, kabilang na rin ang mga barangay tanod at day care center workers sa buong bansa sa 18 milyong Pinoy na makatatanggap ng ayuda sa Social Amelioration Program.

Ang nasabing direktiba ay nakapaloob sa isang memorandum ng DILG na ipinadala ni Undersecretary Jonathan Malaya kay DSWD Secretary Rolando Bautista.

Ang ginawang paglilinaw ng DSWD at DILG ay bilang tugon sa hiling ni BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co na isali sa mga bibiyayaan ng Social Amelioration Pay ang mga barangay health worker sa buong bansa kung saan sa magkaibang liham kina Sec. Bautista at Sec. Eduardo Año inilatag ni Co kung bakit karapat-dapat mabigyan ng ayuda ang BHWs sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nauna nang ipinaglaban ng BHW Party-list na mabigyan ng Special Risk Allowance ang mga BHW na agad namang pinagbigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, binigyang-diin ni Agusan del Norte (1st District) Rep. Lawrence Fortun ang mahalagang papel ng mga tanod sa kasalukuyang krisis sa COVID-19 kung kayat nararapat lamang na maisama ang mga ito sa SAP.

“In the exigency of public service, barangay tanods are at the frontlines in the fight against COVID-19. They are exposed to the risk of coronavirus infection. They are the multiplier force of the Philippine National Police. They help man checkpoints and roadblocks, secure public markets, protect health workers, and distribute relief goods,” pahayag ng mambabatas.

Sinabi ni Rep. Fortun na hindi nasayang ang kanyang pakiusap sa DBM at DILG na isama ang mga tanod at day care workers sa Special Risk Allowance dahil kabilang sila sa maituturing na frontliners na siyang posibleng mahawahan ng COVID-19 carrier. CESAR BARQUILLA

 

 

 

466

Related posts

Leave a Comment