P.4-M SHABU KUMPISKADO, 17 ARESTADO SA QCPD

INANUNSIYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Ronnie Montejo ang pagkakakumpiska sa P442,680 halaga ng ilegal na droga at pagkakadakip sa 17 drug suspects sa ikinasang buy-bust operation sa nasabing lungsod.

Kinilala ni P/BGen. Montejo ang dalawa sa mga suspek na sina Frederick de Jesus 40; at Russel Leonida, 41, pawang residente ng Brgy. Malvar, Pasig City. 

Ang mga suspek ay naaresto ng mga tauhan ng Cubao Police Station noong Abril 27, 2020 sa Magsaysay St., Brgy. Manggahan, Pasig City at nakumpika ang P102,000 halaga ng ilegal na droga.

Arestado rin ng Masambong Police Station 2 sina Rhodel Occasion, 31; at Mary Shane Velga, 35, sa buy-bust operation bandang alas-9:25 ng gabi noong Abril 27, 2020 sa Mabuhay St., Brgy Central, Quezon City at nakumpiska ang P88,400 halaga ng shabu.

Nahuli rin sa dalawang isinagawang buy-bust operations ang mga suspek na sina Jerry Natividad, 31; Jericho Conde, 18, at Mark Soriano, 21, sa Brgy. Pasong Putik, Quezon City at nakumpiska sa kanila ang pitong gramo ng shabu na P47,600 ang halaga.

Isa pang buy-bust operation dakong alas-2:00 ng umaga noong April 28 sa Camaro Street, Brgy. Greater Fairview, Quezon City at nadakip sina Janice Fariñas, 37, at Herbert Gallano, 31, at nakumpiska ang P47,600 halaga ng shabu.

Nadakip sina Christian Bucatcat, 32, sa Project 8, Brgy. Sangandaan, Quezon City at nakumpiska ang P34,000 halaga ng shabu.

Arestado rin ang suspek na si Paolo Pablo, 34, bandang alas-6:20 ng gabi noong Abril 27 sa Brgy. Culiat, Quezon City makaraang harangin sa enhanced community quarantine checkpoint at nakumpiskahan ng P34,000 halaga ng marijuana.

Huli rin sina Rocky Salvana, 33; Anecito Agno, 41; Vicente Buenida, 34; Jhoniel Salisana, 41, at Lisa Tejada, 46, sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City at at nakumpiskaan ng P680 halaga ng umano’y shabu.

Ang mga suspek ay kinasuhan sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JOEL AMONGO)

272

Related posts

Leave a Comment