Quarantine facilities punuan na FLIGHTS SA 9 AIRPORTS SUSPENDIDO

NAIA-7

ISANG linggong suspendido ang flights sa siyam na international airports sa bansa simula ngayong araw.

Nabatid na nagdesisyon ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 na pansamantalang higpitan ang flight operations sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Maynila at sa lahat ng iba pang international airports sa bansa.

Sa kalatas na ipinalabas ng tanggapan ni National Task Force Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., hindi kasama sa naging desisyong ito ang ‘Emergencies while enroute; Cargo Flights; Air Ambulance and medical supplies flights; Weather Mitigation Flights; at Maintenance Flights.

Pinapayagan din na magpatuloy ang operasyon ng sweeper flights para sa foreign nationals na babalik sa kani-kanilang bansa.

Ang lahat ng domestic air arrivals at departures sa NAIA ay nananatiling suspendido.

Sinabi naman ng Civil Aviation Authoritiy of the Philippines (CAAP) na ang International Flights na nagnanais na ‘mag-land at depart’ ay kailangan na mag-request ng exemption sa CAAP OPCEN sa loob ng 36 hours bago ang itinakdang departure mula sa lugar na kanilang pinagmulan.

Layon ng desisyon na paluwagin ang mga quarantine facility para protektahan ang mga mamamayan mula sa pagkalat ng COVID-19 at tiyakin na ang overseas Filipino workers (OFWs) ay naaalagaang mabuti kapag dumating ang mga ito mula sa ibang bansa.

Sa ngayon, may 20,000 OFWs ang sumasailalim sa mandatory quarantine sa Metro Manila.

Kabilang sa mga paliparan na sakop ng suspensyon bukod sa NAIA ang Davao International Airport, Clark International Airport, Iloilo International Airport, Mactan-Cebu International Airport, Zamboanga International Airport, Kalibo International Airport, Laoag International Airport at Puerto Princesa International Airport. CHRISTIAN DALE, JOEL O. AMONGO

186

Related posts

Leave a Comment