KARAPATAN, KALAYAAN NG MAMAMAHAYAG, TINIYAK SA DUTERTE GOVERNMENT

GINARANTIYAHAN ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na patuloy na poprotektahan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang karapatan at kalayaan ng mga mamamahayag sa bansa.

Nakiisa si Sec. Andanar sa mga journalist at media workers sa bansa at sa buong mundo sa pagdiriwang ng World Press Freedom Day ngayong araw, Mayo 3.

Ang nasabing petsa ay pinroklama bilang World Press Freedom Day upang itaas ang kamalayan ng kahalagahan ng press freedom at paalalahanan ang gobyerno ng tungkulin nito na igalang at i-uphold ang karapatan sa freedom of expression.

Sa isang kalatas, binigyang-diin ni Sec. Andanar na binuo ni Pangulong Duterte ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) at nilagdaan ang Republic Act 11458 at Executive Order (EO) 2 on Freedom of Information (FOI) para protektahan ang buhay, kalayaan at seguridad ng media workers.

“A free and pluralistic press continues to play an important role in the foundation and progress of an informed and empowered society. We will continue to endeavor towards the continued promotion of press rights and freedom,” ayon kay Sec. Andanar.

Nilikha ang PTFoMS, sa pamamagitan ng Administrative Order 1 na tinintahan ni Pangulong Duterte noong October 2016, kung saan inaatasan na protektahan ang mga miyembro ng media sa bansa.

Ang RA 11458, sa kabilang dako ay nilagdaan naman noong August 2019 upang palawakin ang sakop ng batas na magbibigay proteksyon sa mga journalist, kabilang ang broadcast at online journalists.

Tinintahan din ni Pangulong Duterte ang EO 2 ukol sa FOI noong July 2016 bilang bahagi ng campaign promise nito ‘to promote transparency in the government by allowing Filipinos to obtain documents and records from public offices under the executive branch.’

Inamin naman ni Sec. Andanar na kailangan na mayroong “intellectual vacuum” sa public information at government programs at services para sa “open and free press.”

Aniya pa, wala ring dayalogo ukol sa societal issues, public grievances at government policies nang walang press freedom. CHRISTIAN DALE

337

Related posts

Leave a Comment