SCHOOL OPENING ILILIPAT SA SETYEMBRE

GAGAWIN nang Setyembre ang school opening sa halip na Hunyo kaya’t nakatakdang amendahan ng Senado ang Basic Education Law, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

Sa panayam, sinabi ni Sotto na kailangan amendahan ang naturang batas upang hindi malagay sa alanganin ang Palasyo sa deklarasyon na gagawin nang Setyembre ang pasukan.

“Una sa lahat, magpapasa dapat kami ng batas na maiiwas na magba-violate ang Executive Department ng batas. Eh kasi nagdedeklara na September na raw ang pasukan, di ba?,” ayon kay Sotto.

“Merong batas na June ang pasukan. Kaya kailangan mag-amend sa Basic Education Law, kaya kailangan June ang pasukan,” dagdag ng senador.

Aniya, tanging international school ang exempted sa Hunyo na pasukan ngunit kung idineklara ng Palasyo na Setyembre ang pasukan, kailangan amendahan ang batas.

Sinabi pa ni Sotto na panukala niya talaga na gawin sa Setyembre ang pasukan o anomang buwan na kagustuhan ng Pangulo kapag may national emergencies, kaya safe ang Palasyo sa deklarasyon.

“Alam mo naman siyempre, sigurado sa amin wala namang magkukuwestiyon noon, pero may mga wise guy diyan titirahin na naman si Presidente sasabihin o, nag-violate ka, di ba June lang yan? Yung mga ganoon. Hindi mawawala yun,” paliwanag ng lider ng Senado. ESTONG REYES

228

Related posts

Leave a Comment