NAIS ng isang mambabatas na ideliver sa mismong tahanan ng mga senior citizen ang kanilang ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
“Huwag na nating hintayin pang may masamang mangyari sa ating mga senior citizen at PWDs sa kahihintay ng SAP kung pupwede namang door to door delivery.” Ito ang suhestiyon ng Senior Citizen party-list para mapadali ang pagbibigay ayuda sa nakatatanda at mga may kapansanan.
Ayon kay Senior Citizen party-list Representative Fransisco Gamboa Datol, matagal na sanang dapat natapos ang distribusyon ng SAP kung ipinaubaya nila sa door-to-door carriers ang ayuda lalo na iyong para sa seniors, retirees at PWDs.
Binanggit ng mambabatas na maiiwasan ang sakuna at abala sa seniors kung ipina-deliver na lang ang ayuda sa mga ito lao pa’t mayroon namang senior citizen ID at rehistrado rin sa sa city hall o munisipyo ang mga ito kaya madali nilang mapatutunayan na sila ang dapat na beneficiary.
Inihalimbawa ni Rep. Datol ang pagkasawi ni Sonny Candelaria, 62-anyos, ng Marilao, Bulacan bunga ng atake sa puso na posibleng naiwasan kung hindi ito pumila pa nang matagal para makuha ang SAP cash.
Bukod dito, si Gualberto Hurtado, 84, na nasawi rin dahil sa stroke habang naghihintay rin ng SAP grant sa Bacolod City.
“Local government units, especially those in National Capital Region, Calabarzon, Central Luzon, Cebu and Davao should lighten their logistical burdens by distributing the SAP cash aid with the help of remittance outlets with door to door delivery,” pahayag pa ng mambabatas.
“Cut the red tape now and stop milking the COVID-19 crisis for political points,” pahayag pa ng kongresista. CESAR BARQUILLA
172
