PAALALA ng Malakanyang sa publiko, suspendido pa rin ang commercial flights kahit pa galing ito sa general community quarantine areas patungo sa ibang GCQ area.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, tanging sweeper flights pa lamang sa ngayon ang pinapayagan.
Ang sweeper flights ay ang pagbiyahe ng mga stranded na local tourists mula sa iba’t ibang panig ng bansa pabalik sa Metro Manila o vice versa.
Kabilang din sa pinapayagang makapagbiyahe sa ngayon ay medical flights at iba pang emergency flights.
Sa ngayon, sinabi ni Sec. Roque na kahit pa matanggal na ang ECQ sa May 15 ay titingnan pa rin ang magiging kondisyon ng COVID cases sa ibat ibang lugar.
Mahirap aniya talaga ang sitwasyon dahil ang mismong major airports ngayon tulad ng NAIA, Clark, Cebu at Davao ay pawang nasa ilalim ng ECQ at hindi pa pwedeng payagan ang mga biyahe. CHRISTIAN DALE
214
