78 TESTING CENTERS TARGET NG GOBYERNO

PUNTIRYA ng gobyerno na umabot sa 78 testing centers sa buong bansa sa Mayo 30.

Ayon kay BCDA President Vince Dizon na kung maaabot ang nasabing target ay kakayanin na ng pamahalaan na makapagsagawa ng 30 thousand test kada araw.

Hanggang kahapon ani Dizon ay nasa 5,000 per day pa lamang ang nagagawang testing.

At sa harap ng pagdaragdag ng mga testing center, sinabi ni Dizon na may pakikipag-ugnayan na silang ginagawa sa mga university para sa kakailanganin nilang volunteers.

At maging si Executive Secretary Salvador Medialdea aniya ay nanawagan din sa mga kawani ng pamahalaan na magboluntaryo sa testing centers kahit magsilbing encoder.

Subalit, sa kasalukuyan, ang kailangang-kailangan nila ay swabbers. CHRISTIAN DALE

333

Related posts

Leave a Comment