Mga pobre sapul na naman KWEK-KWEK, CAMOTE QUE, BUBUWISAN

PINALAGAN ng isang progresibong mambabatas ang panukala ni Albay Rep. Joey Salceda na buwisan ang mga junk food na pantawid gutom ng mahihirap habang pinababa naman ang buwis ng malalaking kumpanya.

Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, maituturing na isang “anti-poor” ang panukalang ito dahil wala na umanong ginawa ang gobyerno kundi buwisan ang mahihirap samantalang babawasan naman ang corporate income tax ng mayayaman.

Inihalintulad ng mambabatas ang panukalang ito sa “ASIN Tax” na inatras ng gobyerno noong 17th Congress matapos palagan ng taumbayan dahil papatawan ng buwis ang pagkain ng mga ordinaryong Filipino tulad ng tuyo.

“Like the anti-poor asin tax, the junk food tax is being repackaged as a health bill but it would be detrimental to the poor because among its target food to be taxed are food products that poor Filipinos patronized having no money to buy other food stuff,” ani Zarate.

Kabilang aniya sa mga inaasahang papatawan ng 10% hanggang 20% na buwis ay kwek-kwek, banana at camote que, chicken skin, instant mami, pancit canton at iba pang pantawid gutom ng mahihirap na Filipino. BERNARD TAGUINOD

141

Related posts

Leave a Comment