143 BRGY. OFF’LS KINASUHAN SA SAP ANOMALY

UMABOT sa 143 barangay officials ang sinampahan ng kaso kaugnay sa maanomalyang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) cash subsidy ng gobyerno, ayon kay Interior and Local Government Sec. Eduardo Año nitong Martes.

Sinabi ng kalihim, sa isinagawang Laging Handa public briefing, nakahain na sa piskalya ang mga kaso laban sa barangay officials na hinihinalang nakinabang sa SAP.

Habang nagpasalamat si SILG Año kay Justice Sec. Menardo Guevarra sa pagbibigay prayoridad sa kanilang inihaing kaso kaugnay ng napabalitang anomalya sa SAP distribution.

Nanawagan ang kalihim sa publiko na manatiling mapagmatyag lalo sa ikalawang tranche ng SAP at agad magsumbong sa complaint center ng DILG kung may makitang anomalya.

Muli ring nagbabala ang opisyal sa barangay officials na huwag lulustayin ang pera ng gobyerno para sa nasabing programa ngayong panahon ng pandemyang dulot ng coronavirus sa buong mundo. (JESSE KABEL)

311

Related posts

Leave a Comment