SOLON SA DOTR: BIKE LANES, ISAMA SA BUDGET

IPINASASAMA ni Senador Grace Poe sa pagpopondo ng Department of Transportation (DOTr) ang paglalagay ng mga walking at cycling infrastructures sa ipatutupad na ‘new normal’ kasunod ng COVID-19 pandemic.

“Marami sa ating mga kababayan ang nagbibisikleta na para lamang makapasok sa trabaho sa gitna ng pandemya. Ang kanilang pagtitiyaga ay suklian natin ng karampatang proteksyon,” saad ni Poe.

Sinabi ni Poe na dapat gamitin ang pagkakataong ito upang gawing “bikeable, walkable at more liveable ang kapaligiran.

Una nang isinulong ni Poe ang Senate Bill No. 588 o ang proposed Bicycle-Friendly Communities Act of 2019 na naglalayong magkaroon ng exclusive lanes para sa cyclists sa lahat ng primary at secondary roads at maglaan ng parking spaces para sa mga bisikleta sa lahat ng pampubliko at pribadong institusyon.

“This is an important step in our bicycle-friendly path to inclusive growth. We should build segregated and covered bicycle lanes to ensure the safety and convenience of our riders,” diin ni Poe. DANG SAMSON-GARCIA

137

Related posts

Leave a Comment