PAGTUTULUNGAN SA GITNA NG PANDEMYA

KASABAY ng tila pag-graduate ng maraming lugar sa bansa kabilang ang Metro Manila mula sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) patungo sa General Community Quarantine (GCQ), naipamalas sa nangyaring pandemya sa buong mundo, ang naging reaksyon ng bawat tao sa mga ganitong klaseng mga bihirang pangyayari.

Habang may mga nananamantala, may iba na bagaman katulad din ng marami ang kalagayan ay nagpakita ng bihirang determinasyon sa mga ganitong panahon na maabot ang kapwa at tumulong.

Ganyan ang naging sadigan ng mga alumni ng Sta. Teresa College sa Bauan, Batangas, nang ilunsad nito lamang Abril 2020 ang programang “Tulong Teresian,” isang humanitarian mission na namamahagi ng relief packs sa mga matinding natamaan at naipit sa lockdown. Naging batayan nila ang natutunan sa STC na: concern, responsibility and service.

Pinangunahan ni Atty. Nicasio Conti, dating hepe ng Presidential Anti-Graft Commission, at pangulo ng Sta. Teresa College Alumni Association, ang pagtulong sa kapwa Teresians. Ginamit nila ang online platform para mahanap ang alumni community.

“Our Tulong Teresian program became possible even when I was in Manila during the period of quarantine, and the Facebook group administrators are miles away as they are located in various parts of the globe — USA, Canada, Singapore and the Philippines. The time difference ensured that someone is glued to the Tulong Teresian FB page to sort requests and identify the recipient’s respective batches.

The lists were downloaded to our operations center in Batangas for the preparation of relief packs. We have ready volunteer coordinators and distributors who rose to the challenge of ensuring that relief goods will reach our intended beneficiaries: former teachers, alumni, faculty, staff and non-teaching personnel as well as Teresian frontliners,” sinabi ni Atty. Conti.

Tila dual role ang ginawa ni Atty. Conti sa pagtulong sa mga Batangueno at Teresian alumni para makaraos sa ganitong panahon. Nagbigay rin siya ng payo patungkol sa mga namroblema sa Social Amelioration Program (SAP). KIKO CUETO

192

Related posts

Leave a Comment