P27-M SHABU NAKUMPISKA SA 4 SUSPEK

AABOT sa mahigit P27 milyong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy-bust operation sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni QCPD director, P/BGen. Ronnie Montejo ang nadakip na mga suspek na sina Jinky Pascio Arbolado, Jhon Christopher Guzman, Cristina Burill at Siloren Tabiano, pawang nasa hustong edad.

Ayon sa report, dakong alas-8:00 ng gabi noong Hulyo 3, nagsagawa ng buy-bust operation ang anti-drug operatives ng QCPD PS 1, sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Florian Reynaldo, at PDEA RO-NCR, sa Biak na Bato sa panulukan ng Cuenco St., Brgy. Sto. Domingo.

Isang poseur buyer ang bumili ng shabu mula sa mga suspek na dumating na nakasakay sa isang puting Honda Civic Type R (WFC 653).

Matapos na matanggap ng mga suspek ang buy-bust money ay agad silang inaresto ng mga awtoridad.

Bukod sa buy-bust money, nakumpiska rin ng mga pulis mula sa mga suspek ang aabot sa 4,000 gramo ng shagu na tinatayang P27,200,000 ang halaga at limang cellphones.

Ang mga suspek ay nasa kustodiya na ng PDEA RO-NCR para sa kaukulang pagsasampa ng kaso sa laban kanila. (JOEL O. AMONGO)

140

Related posts

Leave a Comment