DIGITALIZATION NG DISTRIBUTION UTILITIES PINABIBILISAN

PINABIBILISAN ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian sa distribution utilities ang digitalization ng kanilang serbisyo upang protektahan ang consumers sa panahon ng “new normal” partikular sa pagbabayad ng bills.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian, chairman ng Senate committee on energy, na mahalaga ang digitalization na may kaugnayan sa kaligtasan at kagalingan ng consumer dahil patuloy na nananalasa ang corona virus 2019 (COVID-19) pandemic.

Ipinunto ito ni Gatchalian sa ginanap na Energy and Sustainable Development Webinar, na inorganisa ng Ateneo School of Government kamakailan.

“The current bill shock that many households have experienced may have been avoided if only distribution utilities, such as Meralco, quickly adopted newer technologies, such as smart meters, in determining the correct reading of consumed electricity,” aniya.

Sinabi ni Gatchalian na sanhi ng kawalan ng smart meters kaya gumamit ang Meralco ng “estimated bills dahil hindi nakapagsagawa ng meter reading ang kompanya sa panahon ng enhanced community quarantine.

Samantala, nakatakdang magsagawa ng imbestigasyon ang komite sa Lunes upang alamin ang katotohanan sa maraming reklamo hinggil sa mataas na konsumo ng elektrisidad sa gitna ng government-imposed community quarantine. (ESTONG REYES)

136

Related posts

Leave a Comment