INFRASTRACTURE PROJECTS MAGBABANGON SA EKONOMIYA

KUMBINSIDO ang pamahalaang Duterte na ang mga proyektong pang- imprastraktura ang pinakamabisang diskarte para makabawi at mabuhay ang ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, mataas kasi ang multiplier effect ng infrastracture projects na dito ay hindi lamang maraming trabaho ang naibibigay kundi pati mga negosyo ay tumataas ang demand.

Siniguro ni Dominguez na hindi ititigil at sa halip ay magtutuloy-tuloy ang Build, build, build habang may mga proyekto ring ililinya pa ang pamahalaan sa gitna ng target na muling maibangon ang ekonomiya.

Kabilang na aniya rito ay may kinalaman sa kalusugan, edukasyon, pabahay at iba pa habang magpapatuloy rin ang fiscal at iba pang economic reforms.

Aniya pa, hindi pahahadlang ang Duterte Administration sa kasalukuyang pandemya upang maprotektahan ang ekonomiya ng bansa at mabawi ang sigla nito. (CHRISTIAN DALE)

185

Related posts

Leave a Comment