2 BUMBERO PATAY, 3 SUGATAN SA BRIGADA ESKWELA

ANTIQUE – Dead on the spot ang dalawang firefighters ng Bureau of Fire Protection habang tatlo nilang kasamahan ang malubhang nasugatan nang mawalan ng preno ang kanilang firetruck nitong Miyerkoles ng umaga sa bayan ng Sibalom sa lalawigang ito.

Kinilala ni Fire Senior Supt. Jerry Candido, regional director ng Bureau of Fire Protection-6, ang mga namatay na sina FO1 Joy Ardaña at FO1 John Darryl Peralta.

Sugatan din sa insidente sina FO1 Judy Baldone, FO1 Charmie Leigh Forro at FO1 Rechelle Lustica.

Lumabas sa pagsisiyasat, patungo sa Barangay Villafont, Sibalom ang mga bombero para tumulong sa Brigada Eskwela.

Sinasabing biglang nawalan ng preno ang firetruck kaya’t sumadsad ito sa gilid ng kalsada at bumangga na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang bombero at ikinasugat ng tatlo pa nilang kasama. (JESSE KABEL)

141

Related posts

Leave a Comment