MOST WANTED SA BAGUIO TIKLO SA CAVITE

ARESTADO sa pinagtataguan sa Tanza, Cavite ang tinaguriang no. 6 most wanted person ng Baguio City at miyembro ng Rio Jamaica Tacadera criminal group.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Emmanuel Cancho Rasing ng RTC Branch 8 sa Baguio City, inaresto ang suspek na si Albin Nabo Pareno, 31, binata, ng Block 8, Micara Subd., Tanza, Cavite.

Sa pagtutulungan ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) RFU-16 SOT, Police Station 8 ng Baguio City, CIU-BCPO at Tanza Municpal Police Station, nagsagawa ng Oplan Patugis/Salikop laban sa suspek sa pinagtataguan nito sa Block 8, Micara Subd. ng nasabing bayan na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto dakong alas-10:00 noong Lunes ng umaga.

Si Pareno ay miyembro ng Rio Jamaica Tacadena criminal gang na sangkot sa illegal recruitment at human trafficking na nag-o-operate sa Benguet, Baguio City at Region 1. (SIGFRED ADSUARA)

157

Related posts

Leave a Comment