2 PATAY, 1 SUGATAN SA PAMAMARIL

BATANGAS – Dalawa ang patay, kabilang ang isang barangay kagawad, habang isang babae ang sugatan sa tatlong magkakahiwalay na kaso ng pamamaril sa lalawigang ito, noong Linggo.

Batay sa report ng Batangas Police Provincial Office, lahat ng MGA biktima ay sakay sa motorsiklo nang mangyari ang krimen.

Dakong alas-11:00 ng gabi nang barilin ng hindi kilalang mga suspek ang barangay kagawad na si Reymar Caballero malapit sa kanyang bahay sa Barangay Wawa, Batangas City.

Isinugod ito sa Golden Gate Hospital ngunit idineklarang dead on arival ng doktor.

Samantala dakong alas-8:40 ng gabi nang barilin ng riding in tandem suspect si Sherlyn Linihan habang sakay rin ng motorsiklo sa Barangay Balakilong sa bayan ng Laurel.

Agad ding tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril habang nasa maselang kalagayan pa sa ospital ang biktima dahil sa tama ng bala sa dibdib.

Samantala, alas-11:00 naman ng umaga nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang lulan ng motorsiko ang biktimang si Rolando Bendaña sa Barangay Sambat, sa bayan ng  Balayan.

Nalagutan ng hininga ang biktima habang isinusugod sa pagamutan sa Metro Balayan Medical Center. (NILOU DEL CARMEN)

180

Related posts

Leave a Comment