LIDER NG DRUG GROUP UTAS SA BUY-BUST

LAGUNA – Patay sa pinagsanib pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang lider ng Ibay drug group sa ikinasang anti-illegal drug operation noong Lunes sa Brgy. Banlic, Calamba City sa lalawigang ito.

Kinilala ni Calamba Police chief, P/Lt. Col. Gene Licud ang suspek na si Froilan Ibay.

Ayon kay Licud, ang suspek ay kilalang notoryus  na drug pusher  na nag-o-operate sa Calamba proper.

Nagsagawa ang mga operariba ng PDEA Laguna. ng buy-bust operation sa lugar na nauwi sa engkwentro pasado alas-9:00 ng gabi.

Nakatunog umano ang suspek na pulis ang katransaksiyon kaya nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad na nagresulta sa kanyang pagkamatay. (CYRILL QUILO)

130

Related posts

Leave a Comment