CONG. NOGRALES ‘HULOG NG LANGIT’ SA MGA TAGA-BRGY. PURAY, RODRIGUEZ, RIZAL

ITINUTURING na ‘Hulog ng Langit’ para sa mga taga-Brgy. Puray, Rodriguez, Rizal ang pag-kakahalal nila kay Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles dahil sa pagiging masipag at matulungin nito sa mga residente.

Sa panayam ng SAKSI NGAYON kay Barangay Kagawad Veronica Collantes, sa kabila ng napakalayo, bulundukin at napakatarik nilang lugar ay walang kapaguran silang pinupuntahan ni Cong. Nograles upang alamin ang kalagayan ng mga ito.

Ang Brgy. Puray ay may mahigit sa 5,000 populasyon at voting population na 2,539.

Ani Brgy. Kagawad Collantes, ang mga pangangailangan ng kanilang mga residente at barangay ay ibinibigay ng naturang mambabatas.

Ayon pa sa kanya, wala pa silang kaso ng COVID-19 ay binibigyan na sila ng suporta ni Cong. Nograles tulad ng relief goods, mga gamot, tulong-pinansyal at tulong
maging sa mga person with disability tulad ng pagbibigay ng mga wheelchair.

Dagdag pa niya, nauna na ring nagbigay ng mga bisikleta sa Barangay Health Workers para magamit nila sa pag-iikot sa kanilang nasasakupan.

Nagbigay din ng mga upuan si Cong. Nograles sa Brgy. Puray para makatulong sa mga opisyal nito.

Sinang-ayunan din ito ni Brgy. Kagawad Alejandro Idala, na malaki ang kanilang pasasalamat dahil hindi sila nakalilimutan ng kanilang batang-bata at abogadong kongresista.

Dagdag pa niya, hindi sila nagkamali ng pagboto kay Cong. Nograles bagama’t bago pa lang ito sa kanyang puwesto ay nakitaan na ito ng pagiging mababang-loob at matulungin sa mga tao. Kaya naman, itinuturing nilang hulog ito ng langit sa kanila.

Unang termino pa lang ni Cong. Nograles sa kanyang pagiging kongresista sa nabanggit na distrito ng Rizal, umaasa ang mga residente na malaki ang maitutulong nito sa kanila sa mga darating pang panahon.

Gayundin, maayos din ang pagtugon ng mambabatas pagdating sa kanilang kabuhayan at tunay silang umaasa sa pagtatanim ng mga prutas at gulay sa bulubundukin nilang barangay.

Nagpapasalamat din dito si Rico Vertudez, chairman ng Sitio Quinaw ng Brgy. Puray na may 85 katutubong Dumagat.

Malaki umano ang naitutulong ni Cong. Nograles sa pagbibigay ng ayuda sa gitna ng pandemya dala ng COVID-19. Karamihan umano sa kanila ay hindi nila nai-

bababa sa kabayanan ang kanilang mga produkto tulad ng mga prutas at gulay dahil sa krisis. Kasabay nito, umaasa sina Collantes, Vertudez at Idala na maipagpapatayo sila ng paaralan ni Cong. Nograles sa mga susunod na panahon kapag natapos ang pananalasa ng COVID-19.

Sa kasalukuyan, habang wala pang paaralan ang Brgy. Puray ay pansamantalang tinuturuan ng isang grupo ng non-government organization ang mga katutubong Dumagat para sa kanilang informal education.

“Mas gusto po sana namin na maging formal ang pag-aaral ng aming mga anak para makita namin mismo ang kanilang class card,” dagdag pa ni Vertudez.

Hiniling din ni Collantes na sana magkaroon sila ng kuryente o kahit generator para sa kanilang barangay para magamit ng kanilang health centers at mga batang kabarangay na may hika para sa kanilang pagne-nebulize.

Nais din nilang ipaabot ang kanilang sitwasyon kung saan bagama’t ginagawa na ng barangay ang kanilang kalsada ay hindi pa rin ito nalalagyan ng mga poste ng kuryente. Dahil dito, ginagamit na muna ang ilang pirasong solar panel ngunit hindi naman kayang suplayan ng kuryente sa pangangailangan ng kanilang barangay hall.

559

Related posts

Leave a Comment