NIRESBAKAN ni Chief Legal Counsel Salvador Panelo si dating Senador Antonio Trillanes nang muli nitong banatan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Tinawag kasi ni Trillanes na “bolahan once a week” ang lingguhang Public Address ni Pangulong Duterte.
Bukod dito, tinawag pa ni Trillanes na istupido ang Punong Ehekutibo.
Giit ni Panelo, buwisit si Trillanes at ang mga ipinapahayag at deskripsiyon nito laban sa Presidente ay naglalarawan sa pagkatao ng dating Senador.
Aniya pa, malaking pagkakamali na napunta ito nuon sa Senado dahil lamang umano sa awa ng mga tao.
Ang tangi lang naman daw nagawa sa Senado ni Trillanes ay wala nang iba kundi ang mang-asar nang mang-asar lamang. (CHRISTIAN DALE)
111
