TENSYON PATULOY SA SULTAN KUDARAT TOWN

SULTAN KUDARAT – Isinara nitong Biyernes ang tanggapan ng alkalde sa bayan ng President Quirino sa lalawigang ito.

Ito ay base sa Administrative Order No. 40 series of 2020 na ipinalabas ng Office of the Provincial Governor, na isailalim si Hon. Azel V. Mangudadatu, municipal mayor, sa 45-araw na preventive suspension.

Dahil dito, nanatiling nakabantay sa kasalukuyan ang mga tropa ng 40th Infantry Battalion ng Philippine Army, Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company (SKPMFC), Regional Mobile Force Battalion (RMFB) at President Quirino MPS, sa palibot ng President Quirino Municipal Hall building upang masiguro ang katahimikan at kaayusan ng bayan at ng mga taong nagtatrabaho roon.

Sa ngayon ay may dalawang nakaupong alkalde sa nabanggit na bayan.

Ito ay nang manatili sa kanyang posisyon at tanggapan si Mayor Azel V. Mangudadatu, sa kabila ng suspension order sa ilalim ng Resolution Mumber 40, na inilabas ni Sultan Kudarat Governor Teng Mangudadatu, kung saan pinasususpinde ang naturang alkalde dahil umano sa kasong misconduct in office, dereliction of duty at abuse of authority, sa loob ng 45-araw.

Samantala, umupo na rin bilang acting mayor ng nasabing bayan si Vice Mayor Katrina Florida Sandigan, bilang pagtalima sa Executive Order Number 40 ng gobernadora, matapos matanggap ang kopya ng EO noong Agosto 26, 2020, alas-10:56 ng umaga.

Sa ngayon, nanatili sa kani-kanilang tanggapan ang kalawang umuupong alkalde ng bayan ng President Quirino.

Ayon kay Atty. Esraelito Torreon, legal counsel ni Mayor Mangudadatu, magsasampa sila ng ‘manifestation’ kay Governor Mangudadatu na kumukwestyon sa naturang kautusan at iginiit na depektibo ito kaya’t walang basehan at ilegal umano ang pagsuspende sa nasabing alkalde.

Samantala, ilang araw ding nagkatensyon ang mismong munisipyo ng bayan dahil sa nasabing sigalot kung saan nakabantay ang mga pulis at sundalo. (BONG PAULO)

203

Related posts

Leave a Comment