2 LALAKI HULI SA P.2M SHABU

NALAMBAT sa mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Masambong Police Station 2 ng Quezon City Police District (QCPD), ang dalawang lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing lungsod noong Martes.

Kinilala ni QCPD Director P/BGen. Ronnie Montejo ang mga suspek na sina Ramil Granada, 40, at Antonio Liwanag, 49, pawang mga taga-Marilao, Bulacan.

Ayon sa report, isang confidential informant ang nag-report sa PS-2 kaugnay sa illegal drug peddling activities ng mga suspek kaya’t naglatag ng buy-bust operation ang mga awtoridad dakong alas-4:40 ng hapon noong Martes sa #2 Posooy St., corner Malasimbo St., Brgy. Masambong.

Isang police na umaktong poseur buyer ang bumili ng P8,500 halaga ng shabu mula sa mga suspek na nagresulta ng kanilang pagkakaaresto.

Nakumpiska sa mga suspek ang buy-bust money, 30 gramo ng shabu na tinatayang P204,000 ang street value, at isang cellular phone.

Ang dalawa ay kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JOEL O. AMONGO)

206

Related posts

Leave a Comment