DAVAO City – Natagpuang wala nang buhay habang nakabigti ang isang Auxiliary service worker nitong lungsod sa loob ng banyo ng barangay hall makaraang ipatawag ng public school teacher na hindi nito binayaran sa kanyang pagkakautang.
Ayon sa impormasyon, alas-3:00 ng hapon noong Biyernes, nang magpaalam ang biktimang itinago sa pangalang Jayson, residente sa Barangay Malamba, Marilog District para gumamit ng palikuran sa kalagitnaan ng pagdinig sa barangay hinggil sa kanyang pagkakautang.
Ngunit nagtaka ang barangay kagawad na pumagitna sa pagdinig dahil hindi na bumalik ang biktima kaya’t pinuntahan ang palikuran.,
Nagulat na lamang ang mga barangay official nang matagpuang nakabigti ang biktima sa kisame ng palikuran.
Natagpuan ng nagrespondeng mga awtoridad ang suicide note ng biktima ngunit hindi na ibinunyag ang nilalaman nito. (DONDON DINOY)
353 