5 PATAY SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN

NORTH COTABATO – Lima katao ang namatay habang isa ang kritikal ang kondisyon makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan sa pagitan ng Purok 4, Paradise at Purok 5 sa bayan ng Ramon Magsaysay, sa lalawigan ng Zamboanga del Sur nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga namatay na sina Reny Umeres Nacis, 41; Dennis Bentosa, 36; Reynaldo Taroran Hijara, 31; Kenny Jay Laguardia Ferolin, 24; at Danilo Tiodon Tangub Jr., 24-anyos.

Habang malubha naman si Joel Suerte, 49-anyos, driver ng Nissan Prime mover truck (JAC2012).

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Ramon Magsaysay PNP, nangyari ang insidente alas-4:40 ng hapon.

Habang binabagtas ng isang wing van na minamaneho ni Hijara, ang highway patungo ng Molave mula sa Cagayan de Oro City, nang masagi nito ang kasalubong na motorsiklo na minamaneho ni Nacis na may lulang panindang isda.

Tumilapon ang sakay ng motorsiklo ng 300 metro ang layo bago nakapag menor ang driver ng wing van dahil sa bilis ng takbo hanggang sa nabangga naman nito ang likurang bahagi ng container van na minamaneho ni Suerte.

Dahil sa lakas ng impact, dead on the spot ang limang mga biktima habang dinala naman ang isang kritikal sa bahay pagamutan.

Nagpapatuloy ang imbestigasiyon ng mga awtoridad sa insidente. (BONG PAULO)

178

Related posts

Leave a Comment