97 DINAMPOT SA HEALTH PROTOCOLS VIOLATIONS

UMAABOT sa 97 katao ang hinuli noong Biyernes ng gabi sa dalawang club sa lungsod ng Pasay dahil sa paglabag sa Bayanihan Act.

Sa sketchy report mula sa District Intelligence Division ng Southern Police District, 13 lalaking banyaga, anim na babaeng banyaga, dalawang lalaking Pinoy na customer, 18 babaeng customer care assistance, tatlong security guards, at tatlong waiter ang dinakip sa Matrix Club sa Macapagal Blvd., Hobbies of Asia, Brgy. 76, Pasay City.

Habang anim na lalaking banyaga, dalawang babaeng banyaga, 17 customer care assistance, 25 waiter/bar tender, engineer/maintainance na mga empleyado at dalawang security guards ang hinuli sa Club 78 sa kaparehong address.

Ang dalawang club ay sinalakay dahil sa paglabag sa Pasay City Ordinance 6121 at sa Bayanihan Act o Republic Act 11332.

Ayon sa ulat, naaktuhan ng magkasanib na puwersa ng SPD-DID, DSOU, DMFB, DDEU at Pasay City Police Station dakong alas-11:30 noong Biyernes ang mga hinuli sa aktong nag-iinoman sa loob ng dalawang club na paglabag sa social distancsing at pawang walang suot na face mask.

Nakuha sa mga arestado ang P711,055 cash, .38 kalibreng baril na may limang bala, .45 kalibreng baril na may tatlong magazines at 18 bala.

Dinala na sa DID Southern Police District ang mga arestadao para sa kaukulang imbestigasyon at dokyumentasyon. (DAVE MEDINA)

151

Related posts

Leave a Comment