LIVE-IN PARTNERS KALABOSO SA PAGTUTULAK NG SHABU

ARESTADO ang mag-live in partner matapos madakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa kanilang bahay sa Brgy. Baesa, Quezon City noong Hulyo 3.

Sinabi ni PMajor Jacinto Pascual IV, chief ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Quezon City Police District, nadakip si John John, 32-anyos, alyas “Joselito”, at ang live-in partner nitong si Catherine 43-anyos.

Ayon kay Pat. Christian Jerico Sidigo, imbestigador ng DDEU-QCPD, nadakip ang mga suspek dakong alas-9:22 ng gabi noong Hulyo 3 sa kanilang bahay sa Sitio Mendez, Barangay Baesa, Quezon City.

Nabatid mula kay Major Pascual, ang suspek na si John John at ang live-in partner nitong si Catherine ay Listed-Street level Individual dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa ipinagbabawal na droga.

“Nakatanggap kasi kami ng impormasyon na sangkot ang mag-live in sa pagtutulak ng ilegal na droga kaya agad nagsagawa ng buy-bust ang mga tauhan natin laban sa dalawa,” ani Major Pascual.

Kaugnay nito, isang buy-bust operation ang isinagawa ng mga pulis laban sa mga suspek at nagpanggap na bibili ng ilegal na droga ang isang pulis sa halagang P500.

Matapos iabot, agad dinakip ang mga suspek ng mga tauhan ng QCPD-DDEU na nabigla at hindi na nakapalag pa.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(PAOLO SANTOS)

27

Related posts

Leave a Comment