451 MIYEMBRO NG KADAMAY SA BULACAN, ‘BALIK-GOBYERNO’

TINALIKURAN ng 451 kasapi ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ang kanilang samahan at anomang pakikipag-ugnayan sa Communist Terrorist Group (CTG) o New People’s Army (NPA) at nagbalik-loob sa pamahalaan sa pakikipagtulungan ng mga kinatawan ng Regional at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC), 48th and 7th Infantry Batallion (IB) of the Philippine Army at Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa ginanap na oath taking ceremony nitong Huwebes.

Ang mga nasabing kadamay members ay nanumpa at nangako na susuporta sa pamahalaan kasabay ng isinagawang community consultation sa mga ito na ginanap sa Atlantica Pandi 2 Resettlement Area sa Barangay Mapulang Lupa, Pandi, Bulacan.

Dumalo sa nasabing event sina Bulacan Governor Daniel Fernando; BGen Andrew Costelo, Brigade Commander of 703 Bde, 7IB; LtCol Felix Valdez, Battalion Commander of the 48IB; Pandi Mayor Enrico Roque; PCol Soliva, PRO3 representative; Bulacan PNP director PCol Lawrence Cajipe at ibang kasapi ng regional and provincial ELCAC.

Ang panunumpa ng mga Kadamay returnees ay pinangunahan ng kanilang leader na si Lolita De Jesus, former president ng Kadamay Villa Luis resettlement site sa Barangay Siling Bata na sinaksihan ni Gob Fernando bilang at head ng Provincial Task Force-ELCAC.

Matapos ang panunumpa ay nagsagawa naman ng pagsunog sa bandila ng mga rebelde bilang patunay na tinatalikuran na nila at hindi na susuporta sa anomang aktibidad ng makakaliwa o CPP-NPA.

Ayon kay Gov. Fernando, ang desisyon ng mga Kadamay na suportahan ang gobyerno ay isang tamang desisyon upang makatanggap at pakinabangan ng mga ito ang mga programa ng pamahalaang panlalawigan.

“The provincial government is implementing sustainable livelihood programs as well as scholarship programs for people like them as well as rebel returnees,” ani Fernando.

“I will help and support you sa abot ng aking makakaya,” dagdag pa nito.

Nagkaloob naman ng food packs sa bawat miyembro ng Kadamay mula sa provincial at municipal government matapos ang nasabing oath taking and signing ceremony.

Ayon naman kay Pandi Mayor Roque, mula nang sakupin ng mga kadamay ang mga pabahay sa nasabing bayan noong 2017 ay ikalawang beses o batch na aniya ito ng Kadamay na nagbalik-loob sa gobyerno.

Halos mag-iisang taon na nang 185 Kadamay members ang unang sumuko o nagbalik-loob sa tulong ni Mayor Roque at local police station.

“Masaya ako dahil meron tayong nahihikayat na katulad nila para magbalik-loob sa gobyerno pero nakakalungkot dahil meron pa rin mga nabubulagan sa maling paniniwala ng mga iilan na lamang natitirang Kadamay,” ani Mayor Roque. (ELOISA SILVERIO)

277

Related posts

Leave a Comment