HOLDAPER BUMULAGTA

LAGUNA-Napatay sa engkwentro ang umano’y notoryus na holdaper sa follow-up operation ng Highway Patrol Group 4-A at Biñan City Police sa Langkiwa Service Road, Brgy. Langkiwa, Biñan City.

Nagsumbong si William Dagotdot Jr., 26-anyos, ng 94 Brgy. Langkiwa sa Biñan City Police Station na pinamumunuan ni PCol. Giovanni Martinez kaugnay ng pagtangay ng riding in tandem sa kanyang itim na motorsiklo.

Mabilis namang nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya at nag-abang sa mga posibleng daraanan ng mga suspek na namataang tumakas patungo sa direksyon ng Brgy. Sto. Tomas.

Nang maispatan ng mga awtoridad ang itim na motorsiklo na walang plaka ay tinangka nila itong pahintuin subalit bumunot umano ng baril ang isa sa mga sakay na nagbigay hudyat upang magkaroon ng palitan ng putok.

Dito na napatay ang isa sa mga suspek habang nakatakas ang kasama nito.

Narekober ng SOCO sa crime scene ang isang 9mm pistol, 1 live ammunition at ilang cartridge ng nasabing baril. (CYRILL QUILO)

177

Related posts

Leave a Comment