PINAYAGAN na ng pamahalaan ang massage parlors na muling magbukas habang nasa general community quarantine.
Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 20-57, sinabi ng Department of Trade and Industry, na maaari nang magbukas ang mga massage parlor sa GCQ areas. Pero lilimatahan ito sa 30 porsiyento lang ng total capacity.
Kasabay nito, sinabi rin ng DTI na dapat sumunod sa minimum health standards ang mga massage parlor.
Ibig sabihin, dapat ay naka-gloves at bawal pa ang pagpapamasahe sa ulo para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Dadalasan din ang disinfection, at agaran din dapat ang pagtatapon sa disposable materials.
Bukod dito, niluwagan din ang kapasidad sa mga gym, salon, internet at computer shop at non-essential services.
Sa ngayon, nakapailalim sa GCQ ang Metro Manila, Batangas, Iloilo City, Tacloban, Iligan City at Lanao Del Sur habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay nasa modified GCQ. (CATHERINE CUETO)
153 