QUEZON – Hinihinalang biktima ng panggagahasa ang 22-anyos na dalagang natagpuang nakalutang at walang anomang saplot sa ilog sa bayan ng Macalelon, Linggo ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Arlene Basco, residente ng Sitio Riverside-B, Barangay Candangal.
Ang bangkay ng biktima ay natuklasan ng isa ring 22-anyos na binata na napadako sa lugar, alas-6:00 ng umaga.
Ito na rin ang nag-report sa mga awtoridad hinggil sa pangyayari.
Isasailalim sa pagsusuri ang labi ng biktima para mabatid kung positibong ginahasa ito bago pinatay. (NILOU DEL CARMEN)
857
