UMAKYAT na sa 407,838 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Linggo, nakapagtala ng panibagong 1,530 kaso ng COVID-19.
Karamihan umano sa mga kasong ito ay mula sa Cavite na mayroong 90.
Iniulat din ang 11,290 bagong recoveries kaya sa kabuuan ay nasa 374,329 ang bilang ng mga gumaling.
Ang mga nasawi naman ay 7,832 na matapos madagdagan ng 41 kahapon.
Nasa 25,677 na lamang umano ang total active cases sa bansa. (DAVE MEDINA)
167 