QUEZON – Pinatapos lamang kumain ang isang driver at saka ito walang-awang pinagbabaril ng hindi kilalang mga suspek sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Miyerkoles.
Dead on the spot ang biktimang si Allan Junio, 44, residente ng Brgy. Guis-Guis Talon dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Batay sa report ng Sariaya Police, katatapos lamang kumain ng biktima at ng mga kasama nito sa loob ng isang compound, Brgy. Guis-Guis Talon nang pumasok ang dalawang suspek.
Tinanong muna ng mga suspek kung sino sa grupo si Allan Junio at nang sabihin ng biktima na siya ay bigla na lamang itong pinagbabaril.
Bago tumakas ang mga suspek, kinumpiska ng mga ito ang driver’s license, susi ng motorsiklo, ID at cellphone ng isa sa mga nakasaksi na si Alvin Abad, saka tumakas lulan ng isang kotseng Toyota Corolla.
Blangko pa ang mga awtoridad hinggil sa motibo sa krimen at kung sino ang mga salarin. (NILOU DEL CARMEN)
202
