NASAWI si Los Baños Mayor Cesar Perez matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng spa sa likod mismo ng municipal hall sa Brgy. Timugan nitong Huwebes.
Sa ulat, alas-8:45 ng gabi ay nagpapamasahe si Perez, 66, sa municipal spa nang dumating ang mga salarin at dalawang beses pinutukan sa ulo ang alkalde.
Isinugod sa pagamutan ang alkalde ngunit matapos ang 30 minuto ay idineklara na itong patay ni Dr. Anijah Obe Gudfrey. Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang. (CYRILL QUILO)
